welcome


Welcome to The World of ChErie, the OFFICIAL fan blog of EnRich/ChErie. This blogspot is dedicated to Enchong Dee and Erich Gonzales, also known to fans as EnRich or ChErie.

Wednesday, August 25, 2010

"I DO" Set Visit (Aug. 24,2010)


Janna's Recap:
ITO NA PO KWENTO

--*
mag te 10 na nun ng nagtext si ate adele, text siya about sa location and time
tapos yun,eh naka online ako.,kaya nag paalam na ako sa naka online

--*
tinext ko lahat ng nasa phonebook ko nakakatawa lang kasi sa sampung tenext ko si ate edith lang ang ang nagtextback pati si liza,sabi ni ate edith susunod na lang daw siya,buti na lang pwede si liza(sis ni monina) kung hindi mag isa ako pupunta

--*CUBAO*--
pag dating dun nag tanung kami ni liza saan ba yung new york cubao, tapos yun tinuro samin ng lalaki,pag tawid namin ng tulay di pa rin kami kuntento nag tanung pa rin ulit kami siguro naka limang tao kami na tinanungan tapos yun atlast nakita na rin namin ang sasakyan ni erich

--*at location*--
pagdating doon akala ko tulad sa magkaribal na ask ka lang sa mga production ok na agad papasok ka na lang kaso pag tingin namin sa loob ng gate daming taokaya yun sabi ko wait lang tatawagan ko si ate claire,tinawagan ko si ate claire
JANNA: ate claire andito na po kami
CLAIRE: sino 'to?
JANNA: si janna po
CLAIRE: ay! andiyan na kayo? janna hanapin mo ang driver ni erich na si jeffrey sabihin mo samahan kayo sa loob..sabihin mo alam ko na pupunta kayo at alam din ni erich
JANNA: ate claire yung driver ba ni erich yung mejo bata pa?(may nakita kasi ako,unang tingin ko pa lang parang feeling ko siya na yun)
CLAIRE: oo
JANNA: yung parang naka military cut?
CLAIRE: oo
JANNA: ahh ok sige ate..hahanapin na lang po namin
CLAIRE: magtanung kayo sa mga production staff diyan
JANNA: sige po ate claire
tapos yun binaba ko na yung phone, eh yung lalaking hula ko biglang nawala kaya naisip ko baka hindi yun, tapos nag tanung ako sa production staff na nasa labas
JANNA: kuya kilala mo po ba ang driver ni erich?
PRODUCTION: ayun ohh! yung nakaputi

paglingon ko kita ko matanda na nag white, lapit agad ako

JANNA: kuya si erich po?
NAKA WHITE: nasa loob.. pasok na lang kayo!

tapos yun..biglang may tumawag na production samin (ferness gwapo yung production staff na yun..kaso parang bakala)

PRODUCTION: hindi yun! yun oh yung nakaupo
sabay turo sa lalaking nahulaan ko kanina
JANNA: ay! akala namin yung isa!

nagtawanan lahat sila pati kami ni liza tawa ng tawa,sabi ko pa..si kuya naman (baling ko dun sa pinag tanungan ko) super sabi ka pasok kami..di naman pala ikaw kuya talaga oh!

sabay lapit ko kay kuya jeff(ferness! may itsura driver ni erika)

JANNA: kuya ikaw po ba si kuya jeff?
JEFF: oo
JANNA: kuya sabi daw po ni ate claire samahan mo po daw kami sa loob alam na daw po ni erich na pupunta kami
JEFF: ahh.,. text ko na lang si joy
JANNA: sige po!

tapos yun habang wait namin si ate joyce

tsikahan muna kami ng driver ni erich,ask niya kami if saan kami umuuwi, bakit kami lang daw, pumunta daw ba kami sa taping ng magkaribal,tapos maya maya dumating na si ate joyce

--*papasok na kami sa loob ng bahay*--
bigla kong naalala ang POSER ni ate joyce

ask ko siya habang naglalakad kami

JANNA: ay! ate joyce, may facebook kaba?
JOYCE: meron
JANNA: gamit mo po picture ni erich?
JOYCE: hindi ah! yung picture ko mismo
JANNA: ay! teh? may poser ka
tapos yun..hindi muna ako sinagot ni ate joyce

--*sa loob ng tent*--
pagpasok namin..nakaupo si erika..
ERIKA: hello
JANNA: hello po
si liza ang tahimik wahahaha

ERIKA: kayo lang?
LIZA: opo
JANNA: si ate edith daw po susunod
ERIKA: ay! talaga (sabay ngiti)

tapos yun pinaupo niya kami nag ask siya if kumain na kami sabi ko opo bago kami pumunta dito (kahit hindi pa)

sabay about ko ng regalo at pagkain,
una kong inabot yung pag kain

JANNA: ito po oh galing sa cheries
ERICH: naku! nag abala na naman kayo..thank you ha
JANNA: ito naman po regalo ni mommy jud from japan
ERICH: ay! ahehehe., naku! salamat

tapos yun sabi niya sobrang init noh?

sumagot si liza

LIZA: oo nga po ehh

si erika nilakasan ang aircon sabay tutuk samin

ERICH: paano niyo nalaman na andito ako?
JANNA: text po ni ate adele
ERICH: ahh
tapos yun sinabi ko lahat ng pinapasabi ni ate malou na thank you sa pag bati ni erika sa KTEXT na touch siya dun,sabi ni ate kat na salamat sa pag bati niya love na love siya ni ate kat,
tapos sinabi ko yung pagbati niya kay ate alysa

JANNA: tiyaka si ate alysa po salamat daw kahit na masyadong advance after 3 months pa daw po ang b-day niya

tumawa si erich

ERICH: sabi kasi b-day niya..kaya binati ko

maya maya sabi ni erika sakin

ERICH: bakit may tissue ka?
hindi ako nagsalita..maya maya ang lola mo nagsalita

ERICH: bakit tumae ka? pag punta mo dito

tawanan kaming lahat

JANNA: ahahah hindi po..kasi ang init kanina..sobrang pawis

ERICH: akala ko tumae ka
tawanan na naman kami

maya maya nag ask siya kay liza

ERICH: hello taga saan ka?
LIZA: taga guadalupe po sa makati
ERICH: ahh..

tapos biglang sabi ko kay erich

JANNA: may facebook kaba?
ERICH: oo meron
JANNA: yung public po? yung ginagamit ni ate joyce?
ERICH: huh? biglang tingin kay ate joyce
tapos ako lingon din ako kay ate joyce
JANNA: may poser po kasi ikaw,,nung una hindi ako naniniwala pero nung sinabi na kung kami daw ba ang may dala ng food and cake naniwala na ako
JOYCE: nge? hindi ako nag fafacebook,wala na nga akong oras eh,hindi ako yun
JANNA: ahaha.. dami pa namang nag add na cheries
JOYCE: sabihin mo hindi ako yun..wala na kaming time mag facebook.
JANNA: ahh..sige po sasabihin ko sa kanila

maya maya napansin ni ate joyce ang mata ko

JOYCE: may contactlense siya oh,ganda ng mata niya,nag bliblink pa

tawa lang ako

tapos yun..

biglang may napansin si erich na langaw

sabi niya joy dala mo yung pang patay ng langaw? sabi ni ate joyce nasa bahay bakit?
sabi ni erich "may langaw kasi ohh"
tapos yun tawanan na kami ng tawanan kasi nag kagulo dahil sa langaw halos lahat ng nasa loob ng tent hinahabol ng langaw..si erich naman taw ng tawa..lakas tumawa ng lola mo nakakahawa

si liza naman hindi nag sasalita napaka speechless ako lang ang daldal ng daldal

--*
tapos yun.. nag paalam na kami na uuwi na kami..sabi niya picture picture na raw nag picture picture kami..tapos beso beso bago kami umuwi

--*about sa I DO na nalaman namin*--

nanay ni erich si pokwang ata dun
tapos tatay niya si dennis padilla
kapatid niya si nash,pati yung isang girl di ko nalaman ang name

ito pa ang AABANGAN natin..

lahat ng wish natin sa katorse,tanging yaman na hindi nangyari..this time sa I DO may mangyayari,,kung ano yun..isang MALAKING SECRET!!!!!!!! waaaaaa.. nakakawendang.. nakaka sabog ng puso,sobrang nakakakilig


hindi mahirap,hindi mayaman sila yumi dito may kaya ang pamilya niya

at kung kailan ang SHOWING ng I DO baka daw 3rd week or last week ng september kaya cheries panuorin natin 'to
kasi superrrrr nakakakilig

waaaaaaaaaa... mejo may nalaman kami
pero hindi pa daw pwede ireveal

masusuprice kayo

waaaaaaaaaaaaa

super nakakakilig,nakaka excite,nakaka buang ang movie nila

ROMANTIC,COMEDY po ang movie nila

--*PAHAPYAW NA KWENTO ABOUT SA MOVIE*--
lagi pong hindi natutuloy ang kasal ni yumi dito at ang lolo lance mo sa FAN PAGE nag propose ng "will you marry me"

--*
kaya kailangan abangan natin
ahehehe
--*
thanks nga pala kay ate adele, ate claire,ate maria,ate fe and specially liza

--*
sana nagustuhan niyo yung kwento ko ahehehe wala si enchong dun kasi bawal daw si enchong sa pamilya ni yumi sa bahay kami nila yumi

Special thanks to Janna and Liza.

No comments:

Post a Comment